Saturday, 21 November 2020

Ingatan ang Kalusugan

 Kung iingatan mo ang kalusugan mo, makatutulong ito para maging mas mahusay ka sa mga gawain sa iskul​—at mas masigla pa.



MAKATUWIRAN lang na ingatan mo ang katawan na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. (Awit 139:14) Ipaghalimbawang may kotse ka, pero hindi mo naman ito minamantini. Di-magtatagal at masisira ito. Puwede ring mangyari iyan sa katawan mo. Ano ang kailangan ng katawan mo para manatili itong malusog?

Pahinga.

Kung kulang ka sa tulog, magmumukha kang pagód, manlalambot, matutuliro, at made-depress pa nga. Pero kung sapat ang tulog mo, magiging masigla ka. Bibilis din ang paglaki mo, huhusay ang paggana ng utak mo, lalakas ang immune system mo, at magiging mas masayahin ka. Makukuha mo ang lahat ng iyan nang walang kahirap-hirap​—matulog ka lang!

Nutrisyon.

Mabilis lumaki ang mga tin-edyer. Halimbawa, sa pagitan ng edad 10 at 17, nadodoble ang timbang ng karamihan sa mga lalaki. Bigla rin ang paglaki ng mga kabataang babae. Habang lumalaki ang katawan, kailangan nito ng masustansiya at nakapagpapalakas na pagkain. Tiyakin na naibibigay mo sa iyong katawan ang kailangan nitong nutrisyon.

Ehersisyo.

Sinasabi ng Bibliya na “ang ehersisyo ay mabuti sa iyong katawan.” (1 Timoteo 4:8, Contemporary English Version) Ito ay nagpapatibay ng mga kalamnan at buto, nagpapasigla, kumokontrol ng timbang, nagpapatalas ng isip, nagpapalakas ng immune system, nakakabawas ng stress, at nagpapaganda ng mood. At siyempre, enjoy rin itong gawin, dahil puwede mong gawin ang ehersisyong gusto mo!

Mahalagang tandaan: Ang sapat na pahinga, tamang nutrisyon, at katamtamang ehersisyo ay tutulong sa iyo na maingatan ang iyong kalusugan. At kung malusog ka, tutulong ito para maging mas mahusay kang estudyante. 

Simulan mo na ngayon! Magkaroon ng makatuwirang iskedyul sa pag-eehersisyo. Irekord ang mga oras ng tulog mo pati ang mga kinakain mo sa loob ng isang buwan, at tingnan kung may kailangan kang baguhin.

Magkaroon ng Goal

Ang pag-aaral ay nagiging mas makabuluhan​—at mas nakaka-enjoy​—kapag alam mo ang mapapakinabang mo rito.

ANG pag-aaral sa iskul nang walang goal ay parang pagtakbo sa isang takbuhang walang finish line. Ang sabi ng Bibliya: “Alamin mo kung saan ka pupunta.” (Kawikaan 4:26, Contemporary English Version) Kung may goal ka, tutulong ito sa iyo na makapagpokus at mas madaling makapag-adjust kapag nagtrabaho ka na. Paano ka magse-set ng goal?



No comments:

Post a Comment

Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya

  Ang pandemya ng COVID-19 ay nangangailangan na manatiling maingat tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang bawat isa sa atin ay maaring ...